GMA’s Statement on Arnold Clavio vs. Philippine Azkals

Arnold Clavio GMA 7 vs Philipine Azkals — GMA has just released their own statement regarding the Arnold Clavio vs. Azkals issue.

 

And it boils down to Philippine Football Federation (PFF) filing their own complaint against Mr. Clavio and his other Unang Hirit co-hosts. Bottomline of the public statement of GMA 7 is that the conversation was an “unscripted discussion”. Here’s the complete GMA Statement on Clavio vs Azkals:

Kamakailan, inireklamo ng sexual harassment ang dalawang miembro ng Philippine Azkals ni dating Philippine Olympic Committee President Cristy Ramos, anak ni dating Pangulong Ramos.

Nitong Martes, napag-usapan po sa Unang Hirit ang sexual harassment complaint ni Cristy Ramos laban sa dalawang miembro ng Azkals kung saan nagbigay ang ilang hosts ng kani kanilang opinyon.

Kahapon, nakatanggap ang GMA Network ng liham mula sa Philippine Football Federation o PFF kung saan inireklamo ang mga komentaryo nina Arnold Clavio at Rhea Santos sa kanilang programa.

Nais po linawin ng GMA Network na ang mga inirereklamong pahayag ay hindi bahagi ng aming news reporting kung saan tanging mga statement of facts ang ibinabalita at kung saan walang puwang ang pagbibigay ng opinyon ng mga host. Ang mga inireklamong pahayag ay unscripted discussion ng Unang Hirit hosts sa commentary segment ng programa kung saan sila ay nagpalitan ng opinyon at nagbigay ng kani-kanilang pananaw tungkol sa naturang issue.

Nalulungkot po ang GMA Network na iba ang naging intindi ng Philippine Football Federation sa mga sinabi ni Arnold. Ang pinapatungkulan ni Arnold ay hindi kung Filipino citizen o kung may lahing Pilipino ang mga Azkals kundi kung naisapuso at naisaisip ba nila ang kulturang Pinoy.

Ang issue na tinalakay sa Unang Hirit ay sexual harassment—isang mahalagang issue kung saan matindi ang paninindigan ng mga host. Meron pong karapatan sina Arnold, Rhea at iba pang host na ihayag ang kanilang opinyon, isang karapatang pinoprotektahan ng ating Saligang Batas. Sang-ayon man kami o hindi sa kanilang opinyon, ang karapatan nilang ihayag ito ay kinikilala ng GMA Network tulad ng aming pagrespeto sa karapatan ng publiko at maging ng PFF na maghayag ng kanilang opinyon—basta ang nasabing opinyon ay hindi labag sa batas.

Sa liham ng Philippine Football Federation, sinabi nilang racist, discriminatory, libelous at malicious ang mga pahayag nina Arnold Clavio at Rhea Santos. Pero ang GMA Network po, walang nakitang racist, walang discriminatory, walang libelous at walang malicious sa mga komentaryo nina Arnold at Rhea.

For those who haven’t watched the controversial statement, check it out here:

Happy with GMA’s statement? Or not? Tell us in the comments!


Thank you for reading Arnold Clavio vs Philipine Azkals Video | GMA Statement. Didn't find what you need? Use our search form.
Search:

You can leave a response, or trackback from your own site.

Comment Using Your Facebook Account!


2 Responses to “GMA’s Statement on Arnold Clavio vs. Philippine Azkals”

  1. Ed says:

    Still they have mistake… They went beyond… Basta mga tao nga naman diyan sa media kung magsalita alam nila how defend their sarili kapag alam na nilang may mali sila they will not admit it kundi sasabihan nila sa kanilang pananaw reporter sila at may karapatan silang sabihin lahat on air… Hello nananahimik yun mga tao bigla niyong sinabihan ng kung ano ano… Kaya lesson din kay Arnold na kung magsalita parang sino na!

  2. Denguesixtyone says:

    I respect arnold’s opinion but in a politically correct world, he should have been more careful in his choice of words. An apology by Arnold would have been a better tact without necessarily backtracking on his opinion. The fact that so many reacted negatively means he had unintentionally offended them just as Cristy was “unintentionally” offended by some Azkal players.

Leave a Reply

2011 Designed by Naperville Web Design - Sponsored by Philippine Spa Directory and The Singing Blogger.
Jeff Alagar - Find me on Bloggers.com